Wednesday, August 06, 2008

munting liwanag sa kadiliman


munting liwanag sa kadiliman, originally uploaded by thortz.

Pebrero 24, 2008: Malayo sa kaguluhan ng mundo

Marahil, ang larawang ito ay walang saysay para sa karamihan -- larawang isang tuldok ng liwanag lang ang makikita.

Subalit sa larawang ito, nakakakuha ako ng munting katahimikan.

Isang kuha sa Anawangin, lugar na malayo sa kaguluhan ng mundo. Sa gitna ng kadiliman, ang lamparang ito kasama ng mga bituin sa langit ang siya lamang nagbibigay ng liwanag.

Marahil nakakatakot -- malayo sa komportableng buhay, malayo sa nakagisnan.

Subalit, ito ay nakabibigay payapa. Tahimik. Masaya. Sa kadiliman, nagiging maliwanag ang kaisipan.

Heto na naman ako sa oras ng madamdaming pag-iisip. Kahit ang tila boring na larawan na ito ay nagiging makahulugan.

Gusto kong mag-bakasyon, kahit hindi sa Anawangin. (Ayaw kong puntahan iyon pag tag-ulan at kasagsagan ng tag-araw.)

Hay naku. I'm so stressed with myself, hence this rather lengthy (senseless?) piece.

0 comments: