Saturday, February 23, 2008

How to Get to Zambales

It's another long weekend again, another Zambales getaway.

This time, my friends asked for the directions on how to get to our place -- Castillejos, Zambales. Here's my answer to that query:

Galing Munoz, north bound lane, palayo ng SM North:

  1. Diretso lang hanggang sa daang papunta ng North Luzon Expressway. Ito ay medyo paliko ng kanan, bago ang "tulay" papuntang Monumento, at may "digital" na "signboard" na kulay orange ang ilaw ng mga tuldok.
  2. Mag-ingat sa daan. Ang sabi ng NLEX, 100 kph ang maximum speed. Madaling araw kayo pupunta, kaya di ko alam baka walang nanghuhuli. Ang unang toll gate na makikita niyo ay ang Balintawak Toll Plaza (kunwari na lang tama ngang yun ang official name niya). Dito ay nagbabayad ng fixed open system fee na P38.00. May linya para sa exact toll, may linya na eksklusibong para sa mga may EC (hindi ito exact change, sandali, meron nito si Princess e... hindi ko talaga maalala ang ibig sabihin ng EC, siguro electronic card).
  3. Ang mga gasoline station na madadaanan niyo sa NLEX ay ang (1) Petron, (2) Shell, at (3) Total.
  4. Kung bandang Total na kayo, malapit na ang San Fernando exit. Ang exit bago mag-San Fernando ay ang San Simon. Kung nakita niyo na ang Caltex Mega Station sa kabilang linya, mas malapit na kayo. Kung nakita niyo na ang Robinsons Starmills sa kanan, mas malapit na kayo at bumagal na ng takbo.
  5. Kumanan sa San Fernando exit. Ang bayad dito ay P92.00.
  6. Pagkabayad, kumanan. Dadaan kayo ng "tulay." Pagkatapos ay diretso lang. May mini-rotonda doon, huwag niyo na lang pansinin, basta diretso lang.
  7. Diretso pa rin. Sandaling iglap lang, may flyover kayong makikita at ito ang dadaanan ninyo.
  8. Diretso pa rin. Ito na ang hindi ko saulado. Basta diretso lang. Maging aware sa mga "signs" sa daan (tulad ng mga guhit sa linya).
  9. Diretso-diretso. Somewhere along the road, sa lugar na parang bukid at may mga fruit stand sa gilid (kung madaling araw kayo babiyahe, hindi ko alam kung mapapansin ninyo. Tulog kasi ako pag madaling araw na biyahe e). Anyway, kung may makita kayong daan na may dalawang pagpipiliang daan, pero hindi siya "perpendicular intersection", diretso lang kayo at dumaan sa bandang kaliwa (hindi liliko sa kanan). Kung makaabot kayo sa isang bayan na may nakalagay sa mga tindahan na Sta. Cruz (baka naman Sta. Rita yun), Lubao, Pampanga, nasa tama pa kayong daan. (UPDATE 01-MAR-08: Kanina naisip ko, mali yata ang impormasyong ito. Parang pag pabalik ng Maynila makikita ang "parang hindi perpendicular intersection" na ito. Basta, baybayin lang ang main road. Simple lang. Maarte lang akong magsulat kaya mahaba ito.)
  10. Dire-diretso. Wala naman masyadong liko sa lugar na ito. Hanggang sa umabot kayo sa Bataan. May malaking arko sa pagitan ng Bataan at Pampanga. Ang unang bayan na alam ko ay ang Hermosa sa Bataan. Diretso pa rin. Hanggang...
  11. Makikita niyo ang isang rotonda sa Bataan. Ito ay (paumanhin, mahina ako sa kasaysayan at sining) may mga "sundalong handang lumaban sa pwersa ng kalaban." May ilaw naman ito kaya mapapansin niyo ito, maliban kung brown out. Isang palatandaan dito ay ang malaking billboard ng Chowking. Isa sa paborito ko ang Chowking kaya ito ang naaalala ko (may mga billboard pa doong iba). Sana lang ay hindi mabago ang billboard na iyon.
  12. Bago mapag-usapan ang pagkain, itutuloy ko na ang paglalarawan sa "rotonda" dito. May diretsong daan, may paliko sa kanan. Kumanan kayo. Dahil kung didiretsuhin ninyo, papasok na iyon ng Bataan. Muli, makabubuting magbasa kayo ng mga "signs". Kung mabait kayo, huwag niyong tulugan ang nagda-drive lalo kung kunwaring lahat kayo ay hindi alam ang pupuntahan ninyo. Anyway, ang lugar na ito (sa may rotonda) ay tinatawag na LAYAC.
  13. Diretso lang, diretso lang at kayo'y may makikita na namang "magkahiwalay na daan." Tumbukin ang kaliwang daan. Kung magkamali kayo't dumaan sa kanan, may daan pa rin naman doon kaso may liko-liko. Kaya sa kaliwa. Diretso.
  14. At diretso pa. Medyo blurry na naman memorya ko sa mga lugar na ito. Pero sa Bataan, may mga parteng zigzag. Bundok. Madilim.
  15. May isang parte sa Bataan na medyo sharp curve pakaliwa. Buti na lang maganda na ang daan dito, may reflector yata ang ginamit na pintura sa daan at maraming signboards na lumiliwanag pag nailawan. Pagkalampas sa likuan, may mga kainan at carinderia sa kaliwa. Ito ang Roosevelt. Mula dito, medyo malapit na ang pa-SBMA na daan. Medyo.
  16. Diretsong paliko-liko lang (zigzag e). Pag lumuwang ang daan, medyo kumaliwa kayo. Hindi ko kasi napapansin ang signboard ng "To SBMA" sa lugar na ito. Basta sa may "intersection" (ang intersection na ito ay nasa bundok -- zigzag, sa kanan ay bundok, sa kaliwa ay ang likuan).
  17. Ito na ang Tipo Road. Ginagawa ngayon ang Clark-Subic-Tarlac Expressway, kaya may construction area sa lugar na ito. Huwag kayong mag-alala, ibang klase ang SBMA sa mga "signs," nagkalat sila.
  18. May toll gate din dito. P19.00 ang bayad sa Class 1 vehicles. Ang susunod na gate ay sa mga pulis. Dito naman, may ibibigay silang "papel." Huwag niyo itong iwala dahil isu-surrender niyo ito paglabas ng SBMA.
  19. Sumunod sa batas trapiko sa loob ng SBMA. Sa bawat intersection na may blinking stoplight, huminto -- first stop, first to go. Ganun din sa bawat intersection na may "STOP" sign. Pero wag naman overkill, dahil may mga maliliit na intersection naman na "you have the right of way" at hindi kailangang huminto.
  20. Sa loob ng SBMA after ng pulis gate, zigzag pa rin ang daan. May tunnel kayong madaanan, at kung gusto niyong sumunod sa nakaugalian, bumusina sa lugar na ito. Zigzag, tulay, zigzag hanggang sa may medyo pakaliwang daan na may maikling tulay. Medyo lumalapit na yung liwanag sa lugar na ito (kung madilim pa, mapapansin niyo ang mga ilaw na papalapit).
  21. Malapit sa maikling tulay, may daang diretso at may daang pakanan. Sa pagitan nito, may signboard na bilog na kulay asul na may dalawang arrows na tumuturo sa magkabilang daan. Lumiko sa kanan.
  22. Pagkakanan, diretso lang. Sa kaliwa ay may Petron at may stoplight dito. Intersection ang lugar na ito, sumunod sa batas trapiko.
  23. Pagkalampas sa unang intersection at stoplight, diretso lang at may maikling tulay na naman. Diretso pa rin hanggang sa ikalawang intersection na may stoplight at walang pakanan. Makikita niyo naman ang stoplight, kaya medyo kumaliwa na kayo dahil liliko kayo sa kaliwa sa intersection na ito.
  24. Pagkaliko sa kanan, makikita niyo ang Remy Field sa inyong kanan. Sa kanto mismo ng Remy Field, sa unang maliit na kanto, ang Canal Road, liliko na naman kao sa kanan.
  25. Maraming mini-intersections dito. Hindi niyo na kailangang huminto sa bawat intersection -- wala kayong makikitang STOP sign, maliban sa isa. Hindi maliwanag ang "Stop" sign sa isang intersection na iyon, pero makikita niyo ang isang makabagong building sa kaliwa (walang recall ang pangalan) at sa pagtawid ay may isa na namang makabagong building sa kanan. Muli, first stop first to go. Kahit walang kasalubong na sasakyan, kailangan pa ring huminto.
  26. Makikita niyo sa dulo ng daan ang gate. Huminto at hintayin ang senyas ng guard para lumapit kayo sa gate. Ibigay ang papel na binigay sa inyo pagpasok ng SBMA. Maaari kayong magtanong sa mga pulis sa loob ng SBMA kung kayo ay maligaw. At kung kayo ay mahuli, may nagbigay ng "pangaral" sa akin na dapat ay maging magalang, "Sir, magandang umaga/hapon/araw po!".
  27. Paglabas ng SBMA (sa tinuro kong daan, lalabas kayo sa Kalaklan Gate), kumaliwa. Zigzag ang lugar na ito. Maganda ang zigzag sa Olongapo, hindi nakakahilo. Diretsong liko-liko lang. Sa inyong kaliwa ay dagat, sa kanan ay bundok. Kung maaalala ninyo, makikita ninyo ang Ocean View.
  28. National road naman ang dadaanan ninyo kaya walang nakalilitong daan. Kahit naman kanina pa, national road o major roads din ang dinadaanan ninyo e. Kasama sa inyong madadaanan ay ang Calapandayan (sa dulo). Ito ang lugar na maraming bar at kumukutitap na ilaw. Ang Calapandayan ay nasa bayan na ng Subic. (Isang dagdag kaalaman sa mga hindi masyadong pamilyar sa Zambales: ang Subic ay isang bayan sa Zambales. Ito ang "southernmost town" of the province. Pero further south ang Olongapo City, kung saan narito ang SBMA o Subic Bay Metropolitan Authority. Ang "Subic" na popular tourist destination ay nasa loob ng Olongapo City, pero ang "Subic" na bayan ay katabi lamang ng Olongapo City. Magaganda ang beach sa parehong Subic, pati na rin sa Olongapo -- promote local tourism, sabi ko nga.)
  29. Ang palatandaan na kayo'y papasok na ng Castillejos at palabas ng Subic ay ang arko ng aming bayan (ako po'y taga-Castillejos.) Ang boundary ng dalawang bayan ay ang Pamatawan River, kaya malamang, may tulay dito. Makikita niyo rin ang hugis "7" na "welcome sign" ng Brgy. Del Pilar, ang pinaka-unang baranggay na madadaan sa aming munting bayan. Yun ay kung magaling ang mata ninyo. Purok 7 siguro ang unang purok na iyon.
  30. Pagkarating sa aming bayan (may park at plaza sa kaliwa, naroon din ang simbahan, pati na rin ang palengke), wala pang kalahati ng kalahating minuto ay nasa bahay na namin kayo. Alam niyo na iyon. Sa totoo lang, papuntang Castillejos ay kayang ibiyahe ng dalawang oras. Pero kung medyo safe driver ka sa madaling araw, sige na nga, tatlong oras na.

Sa totoo lang, ang sarap isulat ng mahabang direksyon na yan. :)


Link:

The Oficial Website of Zambales: Tourism - How to Get Here


1 comments:

Jun

Your March 1 erratum on number 9 is correct. Southbound (or going back to Manila from Zambales) nga yung Y-intersection sa Lubao...