Capones Slippers
Side kwento:
Kahit noong una akong pumunta dito, nakita ko nang maraming kalat. May vandalism pa sa mga bato. Hindi ako lumayo sa pinagdaungan ng bangka, kaya hindi ko alam ano ang lagay sa may malapit sa lighthouse. Pero doon sa pinuntahan namin, maraming kalat.
Ito nga, may parte ng tsinelas. May rubber shoes pa! (Nakakadiri na nga lang lapitan. Haha.)
Nakipagkwentuhan ako sa taga-doon. Ang local government dapat ang nag-aasikaso sa lugar na ito. Kaso, tamad daw ang mga opisyal. Tinanong ko kung sino. Mga kagawad ng baranggay. Kaya wala raw naglilinis o nagbabantay o nag-aalaga dito. Hindi tulad sa Anawangin (one point for capitalism.)
Dati raw, ang Coast Guard ang nag-aalaga dito. Kaso, ang mga kababayan niya, pinaalis ang Coast Guard. Bakit? Dahil nanghuhuli sila ng mga gumagamit ng dinamita. Hindi ko na natanong kung kailan, hindi ko na tinanong kung patuloy pa rin iyong nangyayari ngayon. Ang siniguro ko lang, lambat ang ginagamit niya sa pangingisda.
Sa ngayon, mga turista, mountaineers, hikers, outdoor enthusiasts, environmentalists, o kung anumang gusto mong itawag sa mga bumibisita doon ang minsan naglilinis sa lugar.
Sana maaagapan ito. Sayang naman kung mapabayaan, maganda pa naman ang Capones.
0 comments:
Post a Comment